Kilalanin ang notation assistant (beta): magtanong tungkol sa piyesa at ipaubaya ang paulit-ulit na pag-edit
May mga pag-edit na nangangailangan ng ilang minutong pag-click: mga simbolo ng chord sa ibabaw ng 16-measure na melodiya, dynamics sa bawat parte, staccato sa bawat eighth note sa bass. Ngayon, puwede mo na lang itong hilingin. Ang notation assistant, na nasa beta para sa mga subscriber ng Flat Power, ay bumabasa sa bukas mong piyesa, sumasagot sa mga tanong mo at gumagawa ng mga pagbabago gamit ang parehong mga tool na ginagamit mo sa editor.

- Makakuha ng mga sagot tungkol sa iyong piyesa. Kung ano ang key nito, paano umuusad ang harmony, kung masyadong mahirap ang parte ng flute para sa isang baguhan, o kung ano ang aktuwal na tunog ng clarinet. Bawat measure na binabanggit nito ay isang link papunta sa piyesa.
- Ipaubaya ang paulit-ulit na gawain. Mga simbolo ng chord, dynamics, articulation at mga crescendo o diminuendo hairpin sa isang seksiyon, o ilang measure na kokopyahin, ita-transpose o pasisimplehin ayon sa antas ng tumutugtog.
- Magpagawa ng burador ng isang parte. Hilingin ang "walking bass sa kaliwang kamay, mga measure 21 hanggang 24" at mailalagay ang mga nota sa piyesa, na puwede mong i-edit tulad ng mga notang ikaw mismo ang nagsulat.
- Laging puwedeng ibalik ang dati. Sa isang click, maa-undo ang lahat ng ginawa ng isang tugon, at hihingi muna ng kumpirmasyon ang assistant bago magtanggal ng mga measure o parte.
Para sa iba pang ideya, tingnan ang mga halimbawang kahilingan at tip sa help center.
Subukan ito sa website ng Flat gamit ang computer. Gumagamit ang mga kahilingan ng AI credits na kasama sa Flat Power. Hindi mo ito makita sa iyong editor? Sumali sa beta mula sa help center (kapag sumali ka, lilipat ka rin sa bagong layout ng editor).