Masayang mga aktibidad sa pagtatanghal
Magtalaga ng isang partitura upang itanghal ng inyong mga mag-aaral. Sasanayin nila ang kanilang mga kasanayan at isusumite ang pinakamahusay nilang pagrekord—madali at masaya!
Madaling matunghayan ang mga pagtatanghal ng inyong mga mag-aaral
Pakinggan ang mga pagtatanghal ng inyong mga mag-aaral at sabay magkomento, magbigay ng marka, at magbalik ng mga takdang-aralin—lahat sa iisang lugar.
Mga halimbawa ng paggamit

Pagtatanghal
Pumili ng partitura at ipaawit o ipatugtog ito ng inyong mga mag-aaral gamit ang kanilang instrumento sa harap ng mikropono.

Saliw
Maaaring mag-ambag ang mga mag-aaral sa napili ninyong partitura sa pamamagitan ng pagrekord ng sarili nilang bahagi sa ibabaw ng umiiral na partitura.

Ensayo
Maaari na ang ensayo nang malayuan! Sa mga takdang-aralin sa pagtatanghal, masisiguro ninyong handa ang inyong mga mag-aaral para sa malaking araw.
Real-time na puna at mga komentong inline
Hikayatin ang mga estudyante na maipamalas ang kanilang pinakamahusay na gawa sa pamamagitan ng pagkokomento at pagbibigay ng puna sa mismong sandali.
Matalinong pamamahala ng silid-aralan
Tinutulungan ka ng Flat for Education na pamahalaan ang iyong silid-aralan sa pamamagitan ng madaling pagsubaybay sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa bawat takdang-aralin, pag-unlad ng mga mag-aaral sa paglipas ng panahon, at mga pangwakas na resulta.
Madali at maayos na pagmamarka
Madali kang makalilipat sa pagitan ng mga isinumiteng gawa ng mga estudyante para sa pagsusuri at pagmamarka. Awtomatikong naidaragdag ang mga marka sa paborito mong talaan ng marka sa LMS.
Makatipid ng oras
Maaaring kopyahin, i-edit, at muling gamitin ang mga takdang-aralin para sa iba pang klase, na magbibigay sa inyo ng mas maraming oras.

Kailangan lang ng 3 na hakbang:

Pumili ng partitura mula sa inyong koleksiyon para awitin o tugtugin ng inyong mga mag-aaral.

Gabayan ang inyong mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga tagubilin at kagamitang panturo.
